MANILA, Phlippines – Naninindigan si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Aquino na bilang co-equal branch, dapat nirespeto ng Korte Suprema ang mandato at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng impeachment trial.
“Bilang co-equal branch, malinaw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado, kaya nararapat na irespesto ang proseso ng impeachment,” wika ni Aquino.
“Nananawagan ako sa mga kapwa Senador na agad magsagawa ng caucus para talakayin ang desisyong binabalewala ang aming tungkulin sa Saligang Batas,” dagdag pa niya.
Bago rito, nagpahayag na ng kahandaan si Aquino na gampanan ang papel bilang senator-judge.
“Sa prosesong ito, titiyakin nating mananaig ang ating mga batas at kapakanan ng ating mamamayan,” wika ni Aquino sa isang Facebook post.






