Home METRO Mindanao niyanig ng kambal na lindol -PhiVolcs

Mindanao niyanig ng kambal na lindol -PhiVolcs

372
0

MANILA, Philippines — Dalawang magkasunod na lindol ang tumama sa karagatan ng Mindanao, Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Alas-5:29 ng umaga, naganap ang magnitude 5.9 na lindol sa layong 406 kilometro timog-silangan ng Balut Island, bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 115 kilometro.

Walang inaasahang pinsala at aftershocks, sabi ng Phivolcs.

Ang mga sumusunod na instrumental intensities ay naitala mula sa magnitude 5.9 na lindol sa mga lugar na ito:

Intensity III:

  • Santo Niño, South Cotabato

Intensity II:

  • Malungon, Sarangani

  • City of Koronadal, T’Boli, and Tupi, South Cotabato

Intensity I:

  • Alabel, Kiamba, and Glan, Sarangani

  • City of General Santos

Ang unang pagyanig ay sinundan ng magnitude 4.8 na lindol alas-6:55 ng umaga, na naganap sa 386 kilometro timog-silangan ng Balut Island.

Tectonic din ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 60 kilometro.

Walang inaasahang pinsala o aftershocks, ayon sa Phivolcs.

Dagdag pa, ang datos ng Phivolcs ay hindi pa nagpapakita ng naiulat o instrumental intensities mula sa magnitude 4.8 na lindol. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here