MANILA, Philippines — Dalawang magkasunod na lindol ang tumama sa karagatan ng Mindanao, Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Alas-5:29 ng umaga, naganap ang magnitude 5.9 na lindol sa layong 406 kilometro timog-silangan ng Balut Island, bayan ng Sarangani, Davao Occidental.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 115 kilometro.
Walang inaasahang pinsala at aftershocks, sabi ng Phivolcs.
Ang mga sumusunod na instrumental intensities ay naitala mula sa magnitude 5.9 na lindol sa mga lugar na ito:
Intensity III:
Santo Niño, South Cotabato
Intensity II:
Malungon, Sarangani
City of Koronadal, T’Boli, and Tupi, South Cotabato
Intensity I:
Alabel, Kiamba, and Glan, Sarangani
City of General Santos






