Home METRO 3-anyos na nawawala sa Bataan, natagpuang walang buhay

3-anyos na nawawala sa Bataan, natagpuang walang buhay

241
0

BATAAN, Philippines – Natagpuang patay sa Dalupihan, Bataan nitong Biyernes ang tatlong taong gulang na batang lalaki na nawawala noong Martes matapos itong pinaniniwalaang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa ilog.

Natagpuan ang bangkay ng biktima sa Barangay Maligaya, na dalawang barangay ang layo sa Barangay Tubo-Tubo kung saan maaring natangay ng agos.

Nauna naiulat na hindi na matagpuan ang bata sa kanyang higaan noong Martes ng umaga. Naniniwala ang kanyang ina na sinundan ng paslit ang kanyang mga kapatid na lumalangoy sa malapit na ilog.

Ang kanilang mga kapitbahay at lokal na awtoridad ay tumulong sa paghahanap sa bata na dapat ay magdiwang ng kanyang ikatlong kaarawan sa Miyerkules. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here