Home HOME BANNER STORY Habagat patuloy na magpapaulan sa bansa

Habagat patuloy na magpapaulan sa bansa

223
0

MANILA, Philippines – Inaasahan pa rin ang malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Southwest Monsoon o Habagat sa kabila ng paglabas ng tropical depression Emong sa Philippine area of responsibility.

Ayon sa PAGASA, patuloy pa ring palalakasin ang habagat ng ilang weather systems katulad ng bagyong Dante, Emong at ang bagong tropical storm Krosa (international name) sa silangan ng Northern Luzon.

Magdadala ito ng intense na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa hanggang Martes.

Sa heavy rainfall outlook na inisyu ng ahensya, inaasahan ang 50-100 mm na pag-ulan mula Sabado hanggang Linggo ng hapon sa Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro.

Mula Linggo ng hapon hanggang Lunes ng hapon, Hulyo 28, ay 50-100 mm na pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro.

Mula Lunes ng hapon hanggang Martes ng hapon naman ay 50-100 mm na ulan ang inaasahan sa mga sumusunod na lugar:

Ilocos Norte

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Abra

Benguet

Zambales

Bataan

Tarlac

Pampanga

Umalis ng PAR ang bagyong Emong umaga ng Sabado. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here