MANILA, Philippines – Patay ang Teduray community leader sa South Upi, Maguindanao del Sur matapos tambangan nitong Biyernes, Hulyo 25.
Sa report mula sa Timuay Justice and Governance (TJG), ang indigenous political system ng Teduray-Lambangian tribe, minamaneho ni Nicasio Mindo ang kanyang motorsiklo kasama ang asawang si Dindin nang sila ay tambangan ng grupo ng kalalakihan sa Sitio Lumbos, Barangay Romongaob sa South Upi bandang alas-3 ng hapon.
Si Mindo, dating konsehal ng Barangay Pilar, ay nasawi on the spot habang sugatan naman ang asawa nito na agad dinala sa ospital.
Kinondena naman ni Timuay Letecio Datuwata, TJG supreme chieftain, ang pag-atake laban kay Mindo.
Nanawagan din ito sa mga awtoridad na gawin ang lahat upang maresolba ang kaso at ang iba pang mga pagpatay at pag-atake sa non-Moro indigenous peoples sa rehiyon. RNT/JGC