MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mapayapang resolusyon sa gusot sa pagitan ng Thailand at Cambodia.
Ito ay kasunod ng sagupaan na nagdulot ng pagkasawi at paglikas ng libo-libong mga residente sa border ng dalawang bansa.
“The Philippines views with concern the ongoing conflict between our two fellow ASEAN Member States and urges them to resolve the dispute in accordance with international law and the peaceful settlement of disputes,” saad sa pahayag ni Marcos.
Aniya, ‘’the Philippines stands ready to assist in any way to restore peace.’’
Mahigit 30 katao ang nasawi at 130,000 naman ang iinlikas sa pinakamatinding sagupaan sa pagitan ng Thailand at Cambodia sa nakalipas na 13 taon.
Inabisuhan naman ng Philippine Embassy sa Cambodia ang mga Filipino sa lugar na malapit sa Cambodia-Thailand na umiwas sa conflict areas.
Samantala, nagpahayag naman ng pagiging bukas sa ceasefire agreement ang Thailand at Cambodia. RNT/JGC