Home NATIONWIDE Inaprubahang investment commitments ng PEZA, pumalo sa P90.96B

Inaprubahang investment commitments ng PEZA, pumalo sa P90.96B

230
0

MANILA, Philippines – Nakakita ng malaking pagtaas ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa halaga ng investment commitments na inaprubahan nito sa unang pitong buwan ng 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa pahayag nitong Sabado, Hulyo 26, sinabi ng PEZA na inaprubahan nito ang P90.96 bilyong halaga ng bago at expansion projects mula Enero hanggang Hulyo 2025, mas mataas ng 100% mula sa P45.48 billion year-on-year.

Sinabi pa na may 150 bagong apruba at expanding projects, o 25% na pagtaas mula sa 120 projects na inaprubahan sa kaparehong panahon noong 2024, “highlighting strong investor confidence and sustained trust in the Philippines as a premier investment hub.”

Ang inaprubahang investments ay inaasahang lilikha ng 35,874 direct Filipino jobs, tumaas ng 42.02% mula sa 25,259 trabahong nilikha sa kaparehong panahon noong 2024.

Sinabi ng PEZA na inaasahan nito ang 24.37% na paglago sa exports na aabot sa $2.003 billion.

just seven months is a resounding vote of confidence in the Philippines as a competitive, resilient, and innovation-ready investment destination,” ani PEZA Director General Tereso Panga.

“Investors are scaling up in our ecozones because they recognize our stable policies, world-class talent, and our whole-of-government commitment to building smarter, greener, and more inclusive growth centers across the country,” dagdag pa niya.

Para sa buwan ng Hulyo lamang, sinabi ng PEZA na inaprubahan nito ang 17 high-impact new at expansion projects na nakatakdang magpapasok ng P18.6 bilyon ng investments, at lilikha ng $744.06 milyon sa annual export revenues sa oras na maging fully operational ito.

Inaasahang lilikha rin ito ng 2,891 direct jobs para sa mga manggagawang Pinoy.

Ang mga inaprubahang proyekto ngayong buwan ay nasa industriya ng export manufacturing, facilities development, IT-BPM, at domestic-market-oriented manufacturing.

“Strategically located” ang mga proyekto sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, at Central Visayas.

Samantala, sinabi ng PEZA na nananatili itong positibo sa patuloy na high-level negotiations ng Pilipinas. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here