Home ENTERTAINMENT Sue, inangkin si Dominic!

Sue, inangkin si Dominic!

247
0

Manila, Philippines- Ni-like ng netizens ang laman ng Instagram story ni Sue Ramirez kamakailan.

Nag-post kasi siya ng picture ng birthday celebration nila ng dyowang si Dominic Roque.

Simple at intimate lang ang kanilang pagdiriwang kung saan sinindihan nila ang mga kandila na nakatirik sa isang pizza.

Takaw-pansin din ang kanyang caption na: “Happy birthday my@dominicroque.”

Kinakiligan naman ang post niya ng netizens.

Pinuri rin si Sue sa pagiging thoughtful sa kanyang dyowa na kasama niyang nag-celebrate ng kaarawan.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon sa kibitzers nang maibahagi sa isang portal.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“My Dominic. Inangkin talaga si Dom. Hahaha.”

“Iyong-iyo siya, Inday Sue!”

“Wow, magka-birthday pala sila.”

“Hehe. Laki ng tipid.”

“Kaya pala soulmates sila.”

“Pareho pala silang Cancer. Kaya pala magkasundo sila.”.

“Compatible sila kc pareho sila ng birth sign.”

“Sana nga magkatuluyan sila at huwag magaya kina Claudine at Raymart na naghiwalay kahit pareho ang birthday.”

“Kakatuwa iyong dyowa mo na pareho kayo ng birthday.”

“Feeling ko, meant to be talaga sila.”

“Ang smooth lang ng relationship nila. Parang walang hassle.”

“Nagtipid si Teh. Anyway, unbothered naman si Inday. Ang importante, masaya sila.”

“How sweet at thoughtful naman ni Inday.”

“Happy birthday, lovebirds!” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here