Home NATIONWIDE Boxing ring setup sa bakbakang Torre vs Baste handa na!

Boxing ring setup sa bakbakang Torre vs Baste handa na!

232
0

MANILA, Philippines – Handa na ang boxing ring setup para sa charity match sa pagitan nina
Police General Nicolas Torre III at Acting Davao City Mayor Sebastian ”Baste’’ Duterte sa Rizal Memorial Sports Complex.

Sa larawang ibinahagi ng Philippine National Police, inihanda ang mga mesa para sa mga hurado at mga medical staff na tutulong sa laban na itinakda sana ngayong Linggo, Hulyo 27.

Matatandaan na hinamon ni Duterte si Torre sa isang suntukan na tinanggap naman ng PNP chief.

Ani Torre, mayroon nang mga sponsor para sa naturang event.

Sa kabila ng pagtanggap sa hamon, nagbigay naman ng kondisyon sa Duterte para matuloy ang laban.

Aniya, papayag lamang siya kung sasailalim ang lahat ng opisyal maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa hair follicle drug test.

Sa panayam, sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na tumanggi si Torre na tumugon sa kondisyong itinakda ni Duterte.

“Ayaw na pong sagutin pa ng ating chief PNP ‘yan dahil siya lang ay tumugon doon sa sinasabing challenge sa kaniya. At sabi nga natin, let’s put this challenge into good news para makatulong sa ating mga kababayan,” ani Fajardo.

Sa kabila ng inaabangang laban, iniulat na lumipad umano si Duterte patungong Singapore.

Ayon sa National Bureau of Investigation, umalis si Duterte sa Davao International Airport patungong Singapore nitong Biyernes ng umaga.

Sa bagong episode naman ng Basta Dabawenyo podcast nitong Sabado, tumanggi umano si Duterte sa laban kay Torre dahil sa nauna na nitong commitment.

”I cannot be there on Sunday. I have other things to do. Pero Tuesday available na ako. Tuesday, Wednesday, or any other day.’

Sa ngayon ay hinimok na muna ni Duterte si Torre na magsanay pa sa kanyang boxing skills. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here