Home ENTERTAINMENT Green Bones, hakot award sa EDDY’s!

Green Bones, hakot award sa EDDY’s!

297
0

Manila, Philippines- Ang Green Bones lead actor na si Dennis Trillo ang tinanghal na Best Actor sa katatapos lang na 8th EDDY’s Entertainment Editor’s Choice, na ginanap sa Marriotte Hotel.

Ang co-star ni Dennis sa nasabing pelikula na si Ruru Madrid ay wagi naman bilang Best Supporting Actor, ka-tie si Aga Mulach para sa Uninvited.

Ang direktor ng Green Bones na si Zig Dulay ang ginawaran ng Best Direktor, at ang nasabing pelikula ang Best Picture.

Ang Green Bones din ang nanalo bilang Best Cinematography. Kaya masasabing big winner ang Green Bones sa 8th EDDY’s Entertainment Editor’s Choice.

“Di ko po inaasahan na makakatanggap ako ng ganitong parangal, lalo na ang makasama ang ilan pa sa mga binigyan na parangal na aking tinitingala at iniidolong mga artista.

“Siguro po bilang isang aktor, ako po ay patul0y na mangangako na gagawin ang lahat ng aking makakaya na ibigay ang lahat ng makakaya ko sa bawat proyektong ipinagkakatiwala sa akin. Patuloy akong magiging alagad ng sining, dahil ganun ko po kamahal ang Philippine entertainment industry,” sabi ni Ruru sa kanyang acceptance speech.

“Iniaalay po namin ang award na ito sa lahat ng mga Pilipino na patuloy ang pagtangkilik sa mga pelikulang Pilipino.

“Lumalabas, gumagastos, pumipila para mapanood ang kanilang mga paborito sa pinilakang tabing.

“Para sa kanila ito. Mabuhay ang pelikulang Pilipino,” sabi naman ni Dennis sa kanyang acceptance speech.

Samantala, si Marian Rivera ay wagi naman bilang Best Actress para sa pelikulang Balota, kung saan gumanap siya bilang isang guro.

Ang veteran actress naman na si Lorna Tolentino ang siyang nanalo bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Espantaho na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

Present sina Dennis, Ruru, Marian at Lorna sa 8th EDDY’s Awards, kaya personal nilang nakuha ang kanilang trophy. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here