Nagsagawa ng inspeksyon sina PBGEN Javier Manuel Abrugena, DRDO, NCRPO, kasama si PCOL Randy Glenn Silvio, DDDA/OIC ng QCPD, sa mga nakatalagang personnel sa STU St. Peter Parish, STU Katuparan, at STU HOR North Gate simula alas-5:20 ng umaga ngayong araw.
Layon ng inspeksyong ito na masiguro ang kahandaan, disiplina, at maayos na koordinasyon ng mga kapulisan at ibang agencies sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan kaugnay ng SONA 2025, alinsunod sa directive ni CPNP, PGEN Nicolas Torre III, na palakasin ang security preparations at ng Able program ni RD, NCRPO, PMGEN Anthony Aberin, para sa maagap at responsableng pagtugon sa anumang sitwasyon.
Sa naturang inspeksyon, binigyang diin ni PBGEN Abrugena ang mahigpit na pagsunod sa ‘LOI TAMANG BIHIS’ gayundin ang pagiging alerto, mapagmatyag, at handa sa anumang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng publiko. DANNY QUERUBIN