Home SPORTS Gilas Pilipinas babawi sa 2025 FIBA Asia Cup

Gilas Pilipinas babawi sa 2025 FIBA Asia Cup

279
0

MANILA, Philippines – Target ng Gilas Pilipinas na muling makuha ang continental glory sa pagsabak nito sa  FIBA Asia Cup na nakatakdang tumakbo mula Agosto 5 hanggang 17 sa Jeddah, Saudi Arabia.

Limang buwan mula noong huli silang naglaro, nagsama samang muli ang nationals na may pag-asang gumanda ang kalalabasan ngayon taon matapos ang nakadidismayang laro noong nakaraang edisyon.

Maraming nagbago sa loob ng tatlong taon dahil ang Gilas Pilipinas ay nagtatampok ng ganap na kakaibang lineup kumpara sa kanilang 2022 squad.

Tanging sina Kevin Quiambao, Carl Tamayo, at RJ Abarrientos ang natitira sa koponan na iyon, na nagtapos sa ika-siyam kasama si Chot Reyes bilang head coach.

Sina Quiambao at Tamayo ay naging national team mainstays mula nang si Tim Cone ay pumalit bilang head coach, habang si Abarrientos ay nakuha ang call-up matapos gumugol ng isang buong season ng PBA sa ilalim ng multi-titled mentor sa Barangay Ginebra.

Naglaro ang 2022 crew na iyon ang walang naturalized na manlalaro, ngunit ang koponan na maglalaro sa Jeddah ay palalakasin ni  Justin Brownlee, na inaasahang dadalhin ang karamihan ng offensive load, kung saan si Kai Sotto ay naka-sideline pa rin at nagpapagaling sa pinsala sa tuhod.

Nag-average si Brownlee ng 21.7 points, 7.3 rebounds, 5.0 assists, at 1.7 steals sa Asia Cup Qualifiers, kung saan pumangalawa ang Pilipinas sa Group B na may 4-2 record.

Ang kasalukuyang 14-man pool ng Gilas Pilipinas ay sina Justin Brownlee,June Mar Fajardo, Dwight Ramos, Scottie Thompson, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, AJ Edu, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo, Troy Rosario, at RJ Abarrientos.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here