Home HOME BANNER STORY Tsunami wave ibinabala sa 22 probinsya sa Pinas kasunod ng M-8.7 lindol...

Tsunami wave ibinabala sa 22 probinsya sa Pinas kasunod ng M-8.7 lindol sa Russia

306
0

MANILA, Philippines – Isang lindol na may lakas na magnitude 8.7 ang tumama sa silangang baybayin ng Kamchatka, Russia, alas-7:25 ng umaga, Hulyo 30, 2025.

Ayon sa PHIVOLCS, inaasahang makararanas ng bahagyang pagtaas ng tubig (mas mababa sa 1 metro) ang mga baybayin sa Pilipinas na nakaharap sa Pacific Ocean bunsod ng tsunami wave sa pagitan ng 1:20 PM hanggang 2:40 PM.

Pinapayuhan ang mga residente na maging handa sa bugso ng alon sa dalampasigan ng 22 lalawigan kabilang ang:

Batanes Group of Islands
Albay
Dinagat Islands
Cagayan
Sorsogon
Surigao del Norte
Isabela
Catanduanes
Surigao del Sur
Aurora
Northern Samar
Davao del Norte
Quezon
Eastern Samar
Davao Oriental
Camarines Norte
Leyte
Davao Occidental
Camarines Sur
Southern Leyte
Davao del Sur
Davao de Oro

May be a graphic of text

Ang mga may bangka ay dapat na itong isecure o panatilihin sa malalim na bahagi ng dagat. Mananatili ang abiso hanggang sa ito’y kanselahin ng PHIVOLCS. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here