Home NATIONWIDE PBBM nakapili na ng sunod na Army chief – Brawner

PBBM nakapili na ng sunod na Army chief – Brawner

260
0

Kinumpirma ni Armed Forces chief Gen. Romeo Brawner Jr. na nakapili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng susunod na Commanding General ng Philippine Army, ngunit hindi pa inihahayag kung sino ito.

Ani Brawner, lima ang isinumiteng pangalan ng mga kwalipikadong heneral sa Pangulo.

“Anyone of them could be the next commanding general of the Philippine Army,” aniya. Bilang dating Army chief, binigyang-diin ni Brawner ang kahalagahan ng maayos na ugnayan sa bagong hepe ng Army, na siyang pinakamalaking sangay ng AFP.

Magreretiro si Lt. Gen. Roy Galido sa Huwebes, Hulyo 31, at idaraos ang change of command ceremony sa Fort Bonifacio.

Si Galido ang ika-66 na Army chief mula nang maupo siya noong Agosto 2023. Siya rin ang unang naglingkod ng dalawang taon alinsunod sa RA 11939 na layong palakasin ang professionalismo at pagpapatuloy ng mga reporma sa AFP. Sa kanyang termino, pinalakas niya ang external defense, kapakanan ng mga sundalo, at mga estratehikong inisyatiba. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here