MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cainta, Rizal ang dalawang tauhan ng isang cargo services company dahil sa umano’y pagnanakaw ng P1.6 milyong halaga ng imported meat products.
Kinilala sila ng NBI na sina driver, John A. Mendoza at helper na si Angelo Ramos, kapwa empleyado ng JBIZ Cargo Services.
Sinabi nito na ang mga suspek ay inaresto ng NBI Olongapo District Office (NBI) noong Hulyo 12 matapos humingi ng tulong ang JBIZ sa bureau para imbestigahan ang dalawang tauhan nito na umano’y nangongolekta ng mga meat products na inihatid sa Arctic Cold Storage facility sa bayan ng Cainta.
Sinabi rin nito na lumabas sa isang imbentaryo na 224 na kahon ng imported meat products ang nawawala, na may tinatayang halaga na P1,614,000.
Isinagawa ang imbentaryo sa Arctic Storage noong Hulyo 12 sa presensya ng mga kinatawan ng Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA), sabi ng NBI.
Sinabi nito na habang patungo sa Cainta ang cargo truck, pinakialaman nina Mendoza at Ramos ang BOC seal at ang global positioning system (GPS) ng sasakyan, binuksan ang container, at tinangay ang laman nito.
Matapos ang kanilang pag-aresto, sina Mendoza at Ramos ay kinasuhan sa harap ng Department of Justice (DOJ) sa Maynila para sa qualified theft at paglabag sa Republic Act No. 10863, ang Customs Modernization and Tariff Act. RNT/MND