Home HOME BANNER STORY Pinoys ligtas sa Russia quake – DFA

Pinoys ligtas sa Russia quake – DFA

269
0

MANILA, Philippines – Walang nasaktang Pilipino sa malakas na lindol na tumama sa Kamchatka Peninsula sa Russia nitong Miyerkules, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA Assistant Secretary Robert Ferrer, nagtaas ng tsunami alert sa ilang lugar gaya ng silangang baybayin ng Russia, Hawaii, New Zealand, at kanlurang bahagi ng Estados Unidos.

“Pero sa ngayon, bumaba na po yung mga tsunami alert levels, so hindi na po dangerous,” ani Ferrer sa isang panayam.

Pinakamalakas ang tama sa silangang baybayin ng Kamchatka kung saan may pitong Pilipino.

“Kinontact na po ng embahada natin sa Moscow ang mga Filipinos at walang tayong balitang may nasaktan o nasawi, buti na lang,” dagdag ni Ferrer.

Samantala, pansamantalang nagtaas ng tsunami alert ang PHIVOLCS sa mahigit 20 lalawigan sa silangang bahagi ng Pilipinas, ngunit agad din itong binawi matapos walang makitang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here