Home HOME BANNER STORY ‘Di pagbanggit sa isyu ng online gambling sa SONA ipinagtanggol ng Palasyo

‘Di pagbanggit sa isyu ng online gambling sa SONA ipinagtanggol ng Palasyo

226
0

MANILA, Philippines – Idinipensa ng Palasyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa hindi nito pagbanggit sa isyu ng online gambling sa ikapaat nitong State of the Nation Address.

Matatandaan na nadismaya ang ilang mambabatas sa kawalan ng tugon sa isyu ng online gambling sa kanyang SONA.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi maaaring magpadalos-dalos ang Pangulo sa paggawa ng desisyon nang hindi pinag-aaralan ang posibleng mga epekto nito.

“Maganda po kasi huwag tayo masyadong magpadalus-dalos. Minsan kasi nakikita natin ano ba iyong isinisigaw ng taumbayan pero iyong iba hindi pa po inaaral nang mabuti kung ano ba iyong magiging effect nito sa bayan,” ani Castro sa press briefing ng Palasyo.

Ani Castro, kailangan muna aniyang alamin kung ang mga illegal na aktibidad ay nagmumula sa mga lisensyado o hindi lisensyadong online gambling sites.

“Dapat muna po malaman natin saan ba nanggagaling iyong kamalian doon ba sa licensed online gambling app o doon sa mga hindi lisensiyado? So, dapat malaman natin saan ba nagugumon ang ating mga kababayan sa sugal – doon ba sa mga iligal na gambling app?” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here