Home NATIONWIDE Matataas na lider ng NPA kabilang sa 8 napatay sa engkwentro sa...

Matataas na lider ng NPA kabilang sa 8 napatay sa engkwentro sa Northern Samar

274
0

TACLOBAN CITY-ILANG matataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa Silangang Visayas ang kabilang sa walong napatay sa sagupaan ng militar at mga rebelde sa Las Navas, Northern Samar.

Sa pahayag ng Philippine Army (PA) nitong Lunes, Agosto 4, nakilala ang pito sa walong napatay na rebelde sa engkuwentro sa kabundukan ng Barangay San Isidro noong Hulyo 31.

Kabilang sa mga nasawi sina Richard Jumadiao alyas “Joban,” lider ng sub-regional guerilla unit Laysan ng NPA Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC); Edgar Baselga alyas “Ali,” squad 1 leader ng regional guerilla unit (RGU); alyas “Berbon,” vice squad leader; Jinky Senobio alyas “Sinag”; Marciano Pecayo alyas “Lakay”; alyas “Desoy”; at alyas “Rico,” pawang miyembro ng RGU sa ilalim ng EVRPC.

Ayon sa PA, may mga kaso ng pananambang, pangingikil, radikalisasyon ng mga sibilyan, at pagharang sa mga proyekto ng gobyerno ang grupo ni Jumadiao.

Sinabi ni Maj. Gen. Adonis Ariel Orio, commander ng 8th Infantry Division, makikipag-ugnayan ang militar sa mga lokal na pamahalaan upang abisuhan ang mga pamilya ng mga nasawi at maayos na maiuwi ang kanilang mga labi.

Narekober ng mga sundalo sa lugar ng pinangyarihan ng engkwentro ang limang M16 rifles, dalawang R4 rifles, isang M203 grenade launcher, isang K3 light machine gun, at isa pang M16 rifle. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here