Home NATIONWIDE Pagkorner ng 6 mambabatas sa P800B flood control projects itinanggi ni Bonoan

Pagkorner ng 6 mambabatas sa P800B flood control projects itinanggi ni Bonoan

191
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Department of Public Works and Higways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang sinasabi ng political blogger na umano’y nakorner ng anim na mambabatas ang P800 bilyong halaga ng flood control projects.

Ayon kay Bonoan, walang partikular na rekord anga ahensya sa umano’y alokasyon na tinatawag itong ‘preposterous’.

Ito ang naging pahayag ni Bonoan sa briefing ng Kamara nitong Lunes para suriin ang flood control at drainage projects ng DPWH, si Quezon 2nd District Rep. David Suarez ang naglabas ng post na ibinahagi ng maraming beses sa mga kongresista na umano’y kumukontrol sa isang tiyak na halaga sa mga proyekto sa flood control.

Nang hingan ng komento si Bonoan hinggil dito, mariin itong itinaggi ng opisyal.

Tinawag din ni Suarez na ‘unfair’ para sa mga duly elected officials na bahiran ng mga paratang na umano’y walang basehan.

Hindi naman binanggit ang pangalan ng nasabing blogger. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here