Home NATIONWIDE Pekeng DOH officials, ibinabala sa madla

Pekeng DOH officials, ibinabala sa madla

220
0

MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Health (DOH) sa publiko na huwag basta-basta maniniwala sa mga website, social media page, o indibidwal na nagpapanggap na opisyal na kinatawan o bahagi ng Kagawaran.

Ang paalala ng DOH ay matapos makatanggap ng impormasyon na may mga ganitong uri ng panloloko na kumakalat ngayon.

Paalala ng DOH: maging mapanuri at huwag basta-basta maniwala, dahil isa lamang ang kanilang opisyal na Facebook page kung saan makukuha ang tama, maaasahan, at napapanahong impormasyon tungkol sa mga programa, serbisyong pangkalusugan, at mga babala sa kalusugan.

Kaugnay nito, naireport na ng DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pekeng account, at gumagawa na ng hakbang ang kagawaran para mapanagot sa batas ang mga nasa likod nito.

Payo pa ng DOH sa publiko na i-report ang mga ganitong fake accounts at huwag nang i-share sa iba. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here