Home ENTERTAINMENT Bela, hiwalay na sa jowa, unbothered!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Bela, hiwalay na sa jowa, unbothered!August 7, 2025 18:132400 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – With nary a trace of sadness.Ganito maaaring ilarawan ang disposisyon ni Bela Padilla sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanyang Swiss-Italian boyfriend.Mismong ang multi-slashie actress ang kaswal na nagtsika na wala na sila ni Norma Bay, her boyfriend of five years.Gayunpaman, it was amicably settled.Friends as they still are, dinalaw pa nga raw ni Norman si Bela noong nagsu-shoot for a movie somewhere in Pampanga.‘Yun nga lang, palaisipan ang pag-amin ni Bela ng tungkol sa kanilang breakup.There was no mention kasi what caused their falling out.Maging ang petsa ng kanilang paghihiwalay ay hindi malinaw.But one thing’s for sure, kakaiba ang awra ni Bela na wala sa itsura ang malungkot o depressed.Deep within kaya? Ronnie Carrasco III