Home NATIONWIDE Pagtutulungan ng PCG, ICG palalakasin

Pagtutulungan ng PCG, ICG palalakasin

235
0

MANILA, Philippines – Palalakasin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pakikipagtulungan nito sa Indian Coast Guard (ICG) kasunod ng paglagda kamakailan ng bagong kasunduan na naglalayong palakasin ang kanilang kooperasyong maritime.

Nakipagpalitan ng Terms of Reference (ToR) on Enhanced Maritime Cooperation si PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan kay Indian Ministry of Defense Secretary Shri Rajesh Kumar Singh sa opisyal na pagbisita ng Pangulong Marcos sa New Delhi noong Agosto 5.

Ayon sa PCG, ang paglagda sa ToR ay muling nagpapatibay sa pangako ng PCG at ICG na itaguyod ang kaligtasan, seguridad, at pangangalaga sa kapaligiran sa dagat sa pamamagitan ng patuloy na pag-uusap at magkasanib na pagsisikap.

Sinabi ng PCG na ang bawat working group ay idinisenyo upang itaguyod ang structured collaboration, na may mga nakatalagang Points of Contact at malinaw na tinukoy na mga operational frameworks.

Ang palitan ng ToR ay naganap halos dalawang taon matapos ang paglagda sa isang memorandum of understanding (MoU) sa pinahusay na kooperasyong maritime ng dalawang puwersa ng coast guard noong Agosto 22, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here