Home HOME BANNER STORY Voter registrants sa 2025 BSKE umabot na sa 1.7M

Voter registrants sa 2025 BSKE umabot na sa 1.7M

319
0
HALOS hindi mahulugang karayom ang 2nd Floor ng Robinsons Otis nang dagsain ng mga nais humabol para makapagparehistro sa huling araw ng voters registration ng Comelec. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Mahigit sa 1.7 milyong aplikante ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) para sa voter registration isang araw bago matapos ang 10 araw na itinakdang pagpapatala.

Mula Agosto 1 hanggang 9, kabuuang 1,725,297 indibidwal ang naghain ng aplikasyon.

Hindi bababa sa anim na rehiyon ang nag-post ng mahigit 100,000 aplikasyon bawat isa, kung saan ang Calabarzon ang nangunguna sa bilang sa 217,386, sinundan ng Central Luzon (180,305), Bicol Region (137,129), National Capital Region (129,943), Central Visayas (117,631), at Ilocos Region (115,80).

Samantala, naitala naman ng Cordillera Administrative Region ang pinakamababang bilang ng mga aplikante na may 32,369.

Naabot ng Comelec ang unang isang milyong target nito limang araw pa lamang sa registration period.

Ang rehistrasyon sa buong bansa ay bilang preparasyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, na nakatakda sa Disyembre 1 ngunit ire-reset sa Nobyembre 2026 habang hinihintay ang paglagda ng batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here