Home NATIONWIDE Mga pribadong ospital nakaalerto sa pagsirit ng kaso ng leptospirosis

Mga pribadong ospital nakaalerto sa pagsirit ng kaso ng leptospirosis

330
0

MANILA, Philippines – Nakahanda na ang mga pribadong ospital sa bansa para sa posibleng pagdagsa ng mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis, ayon sa Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) nitong Linggo, Agosto 10.

Mula Hunyo 8 hanggang Agosto 7, nakapagtala na ang Department of Health ng 2,396 kaso sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng PHAP, karamihan sa mga pasyente ay nais pa ring magamot sa mga pampublikong ospital dahil sa murang bayarin.

“Nakikita namin sa public hospitals, most probably, of course, gusto nila ay iyong mas mababa ang magagastos nila. Pero let’s say magkaroon ng spillage, or sumobra. Okay lang naman na pumunta sila sa mga private hospitals at nakahanda naman po kami. We have an allocation of 10% for our basic or ward accommodation,” ani De Grano.

Matatandaan na nag-abiso na ang ilang pampublikong ospital sa Metro Manila sa mga pasyente na makipag-ugnayan muna sa kanila at tingnan ang iba pang health centers dahil ang ilan sa mga ito ay sagad sa kapasidad na inilaan para sa mga pasyenteng may leptospirosis.

Nitong Sabado, sinabi ni Philippine General Hospital spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na sila ay nasa “300 percent over capacity”, bagamat “more manageable” na kumpara sa kondisyon ng emergency rooms nila noong nakaraang linggo.

Nag-ooperate na rin ng higit sa authorized bed capacity ang East Avenue Medical Center.

Ani De Grano, kailangang magsagawa ng kinakailangang paghahanda ang mga pribadong ospital sa oras na lumampas na sa kapasidad ang mga pampublikong ospital.

“Siguro nag-increase lang ng less than 5% right now. And these are only in areas na talagang binaha. Let’s say the National Capital Region, siguro iyong areas na Region 3 or Region 2. Pero dito sa ibang areas, halos wala. Ilan-ilan lang iyong mga cases na nakikita namin sa private,” paliwanag niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here