MANILA, Philippines — Umabot na sa 9,720,352 katao o katumbas ng 2,661,857 pamilya ang naapektuhan ng Southwest Monsoon (Habagat) at ng mga bagyong Crising, Dante at Emong, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Agosto 9.
Sa bilang na ito, 7,479 pamilya o 28,500 katao ang nananatili sa loob ng 265 evacuation centers, habang 11,957 pamilya o 40,597 indibidwal naman ang tinutulungan sa labas ng mga evacuation center.
Nananatili sa 37 ang iniulat na nasawi, kung saan lima ang nakumpirma at 32 pa ang bineberipika.
Mayroon ding 32 sugatan, 24 dito ang beripikado habang walo ang bineberipika pa.
Aabot sa 108,375 kabahayan ang napinsala sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 7, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.
Nananatiling sarado o apektado ang 815 kalsada at 43 tulay.
Tinatayang P3,159,733,667.11 ang pinsala sa agrikultura na nakaapekto sa 98,307 magsasaka at mangingisda, habang nasa P16,506,257,464.1 ang kabuuang pinsala sa imprastruktura sa mga rehiyong Region 1, Region 2, CAR, Region 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, Region 6, NIR, Region 10, at Region 12. RNT/JGC