Home METRO 2 suspek sa pananaksak, pagnanakaw, huli sa isang tawag sa 911

2 suspek sa pananaksak, pagnanakaw, huli sa isang tawag sa 911

199
0

MALABON, Philippines – Tiklo ang dalawang lalaki na kapwa suspek sa pananaksak at pagnanakaw dahil sa mabilis na pagresponde ng pulisya matapos itawag sa 911 sa Malabon City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan niya, iniulat ni Malabon Police Chief P/Col. Allan Umipig na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Patrol Base 3 nang makatanggap sila ng tawag mula sa 911 dakong alas-2:20 ng hapon hinggil sa nagaganap na kaguluhan sa Rosita St., Barangay Santulan.

Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Patrol Base 3 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Willy”, 22, pedicab driver dakong alas-2:24 ng hapon.

Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si alyas “Josh”, 26, factory worker, nakatira sa Templora St., Brgy. Santulan, habang nag-iinuman sila ng kanyang mga kaibigan sa nasabing lugar, bigla na lamang umanong magwala ang suspek.

Nang tangkain niyang awatin, nagalit umano ang suspek at naglabas ng patalim saka siya unundayan ng saksak at tinamaan siya sa kanang kamay.

Ani Col. Umipig, alas-2:50 ng hapon nang maaresto naman ng mga tauhan ng Patrol Base 5 sa follow-up operation si alyas “Vic”, 28, ng Caloocan City matapos respondehan ang natanggap na tawag mula sa 911 hinggil sa insidente ng pagnanakaw sa Block 43, Lot 9D, Phase 3, Area 2, Kaunlaran Village, Barangay Longos.

Narekober sa suspek ang isang cellphone na nagkakahalaga ng P12,000 at iba’t ibang uri ng ID na pagmamay-ari ng biktimang si alyas “Vincent”, 49, freelance manager at residente sa nasabing lugar. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here