Home NATIONWIDE Nuclear plant sa France tigil-operasyon sa atake ng mga dikya

Nuclear plant sa France tigil-operasyon sa atake ng mga dikya

256
0

FRANCE – Pansamantalang nagtigil-operasyon ang isang nuclear plant sa northern France matapos dumagsa ang mga dikya at bumara sa mga pump na nagpapalamig sa mga reactor.

Ang automatic shutdowns ng apat na unit “had no impact on the safety of the facilities, the safety of personnel, or the environment”, ayon sa website ng EDF.

“These shutdowns are the result of the massive and unpredictable presence of jellyfish in the filter drums of the pumping stations,” sinabi pa ng Gravelines plant operator.

Tuluyang isinara ang site matapos ang insidente kasama ang dalawa iba pang unit na offline na dahil sa maintenance.

Nagsagawa ng inspeksyon ang mga team para i-restart ang production units “in complete safety” at sinabing ire-restart ang mga unit sa Huwebes.

“There is no risk of a power shortage,” dagdag ng kompanya, sabay-sabing ang iba pang energy sources, kabilang ang solar power, ay nananatiling operational.

Hindi ito ang unang pagkakataon na napatigil ng mga dikya ang operasyon ng nuclear facility bagamat sinabi ng EDF na ang mga ganitong insidente ay “quite rare” at ang huling pagkakataon ay nangyari noong 1990s. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here