Home NATIONWIDE 2 barko ng US Navy, namataan sa Bajo de Masinloc

2 barko ng US Navy, namataan sa Bajo de Masinloc

244
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma rin ni PCG Commodore Jay Tarriela na may namataan silang dalawang barko ng US Navy malapit sa Bajo de Masinloc.

Ayon sa opisyal, nakabuntot naman dito ang barko ng People’s Liberation Army Navy ng China.

“USS Higgins and USS Cincinnati are monitored at a distance of 30 nautical miles away from Panatag Shoal,” ani Tarriela sa isang press breifing.

Hindi naman direktang masagot ni Tarriela kung may kaugnayan sa nangyaring maritime incident o banggaan ng dalawang barko ng China nitong Lunes ang presensya ng dalawang barko ng US Navy sa naturang baybayin.

Sinabi ni Tarriela na naroon pa ang barko ng US Navy taliwas sa report ng China na napalayas nila ang mga barko ng Amerika. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here