Home METRO Criminology stude sa Bulacan, timbog sa ‘damo’

Criminology stude sa Bulacan, timbog sa ‘damo’

229
0

BULACAN, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang criminology student matapos umanong mahulihan ng iligal na droga sa isang paaralan sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Ang suspek ay kinilalang si alyas Jun, 22, residente ng Brgy. Muzon South.

Ayon sa report, nadiskubre ang iligal na droga bandang alas-4:30 ng hapon nitong Agosto 13 sa gate ng isang paaralan ng nasabing lungsod.

Nabatid na nang inspeksyunin ng security guard ang compartment ng motorsiklo ng suspek ay tumambad ang isang plastic ng hinihinalang marijuana.

Dahil dito, agad tumawag ng mga pulis ang guwardya na mabilis tumungo sa lugar kaya tuluyang naaresto ang suspek at narekober umano ang 71 gramo ng hinihinalang marijuana.

Nahaharap ang suspek sa kakukulang kaso habang nakakulong sa istasyon ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here