Home NATIONWIDE Pangmatagalang kapayapaan sa BARMM pundasyon sa pagkakaisa, kaunlaran ng Mindanao – Palasyo

Pangmatagalang kapayapaan sa BARMM pundasyon sa pagkakaisa, kaunlaran ng Mindanao – Palasyo

1
0

MANILA, Philippines – Ang pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay pundasyon ng pagkakaisa, katatagan, at kaunlaran sa Mindanao.

Sinabi ng Malakanyang na sa pamamagitan ng diyalogo at pagtutulungan, mas nabubuksan ang oportunidad para sa pamumuhunan at trabaho.

Nauna rito, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chairman Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim upang patatagin ang proseso ng kapayapaan sa Bangsamoro.

Kasunod ito ng makasaysayang pagbubukas ng unang Bangsamoro Parliament at matapos inaugural session ng regular Bangsamoro Parliament noong Oktubre 30, kung saan nahalal bilang chief minister si Abdulraof Macacua matapos talunin si Ebrahim.

Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng tiwala, diyalogo, at kooperasyon ng pamahalaan at MILF upang mapanatili ang katatagan at maisulong ang mga napagkasunduang hakbang para sa kapayapaan.

Sa matatag na prosesong pangkapayapaan, mas napapalawak ang oportunidad sa pamumuhunan, trabaho, at pag-unlad ng Mindanao na magdudulot ng konkretong benepisyo sa mga mamamayan ng Bangsamoro.

Sa kabilang dako, kabilang sa mga nakaharap ng Pangulo sa nasabing pulong sina MILF chairman Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim, MILF Peace Implementing Panel chair Mohagher Iqbal, Atty. Sha Elijah “Lai” Dumama-Alba at Engr. Mohajirin Ali.

Dumalo rin sa pulong si Presidential Peace Adviser Secretary Mel Senen Sarmiento, na nagsabing isinagawa ang pagpupulong matapos ang hiwalay na meeting ng Pangulo sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Nauna nang humiling ang MILF ng pagpupulong kay Marcos kaugnay ng mga natitirang usapin sa pagpapatupad ng Bangsamoro peace process. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here