MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa kumakalat na text scams na nagsasabing may refund mula sa “no balance billing” policy ng administrasyon.
Sa isang abiso, sinabi ng DOH na ang mga text scam ay hindi galing sa ahensya.
Kasabay ng babala, nagpakita rin ang ahensya ng screenshot ng text message na nagsasaad ng refund na P8,067 mula sa zero billing policy na hinihimok ang recipient na suriin ang dapat na balanse ng GCash.







