Home NATIONWIDE P7.5-B proposed budget sa Senado sa 2026

P7.5-B proposed budget sa Senado sa 2026

260
0

MANILA, Philippines – Ang Senado ay may panukalang badyet na P7.5 bilyon para sa susunod na taon sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP)—halos kalahati sa P13.9-bilyong badyet nito para sa 2025.

Batay sa 2026 NEP na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM), ang itaas na kamara ay una nang nagmungkahi ng P9.67-bilyon na badyet para sa 2025, ngunit ibinaba ito sa P7.52 bilyon sa huling rekomendasyon.

Halos pantay na hinati ang panukalang 2026 budget ng upper chamber para sa maintenance and other operating expenses (MOOE) at personnel services nito, na nagkakahalaga ng P3.77 bilyon at P3.74 bilyon, ayon sa pagkakabanggit.

Walang inilaan na badyet para sa confidential, intelligence, and extraordinary expenses ng Senado tulad ng mga nakaraang taon. Wala ring alokasyon para sa mga capital outlay nito sa 2026 NEP.

Ininumite ng DBM nitong Miyerkules ng hapon sa Senado ang kopya ng P6.793-trillion 2026 NEP, na personal na tinanggap ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Sa parehong araw, pinagtibay ng Senado sa plenaryo ang kasabay na Resolusyon ng Senado Blg. 4 na naglalayong magtatag ng transparency at pananagutan sa pagpasa ng pambansang badyet. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here