Home NATIONWIDE 2 persons of interest sa pagpatay sa 2 Japanese nationals hawak na...

2 persons of interest sa pagpatay sa 2 Japanese nationals hawak na ng MPD

234
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na hawak nila ngayon ang dalawang persons of interest kasunod ng pagkamatay ng dalawang Japanese nationals sa Malate, Maynila.

Hindi pa pinangalanan ang dalawang indibidwal dahil nagappatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso.

Kapwa nanunuluyan sa Casino Hotel sa Pasay City ang dalawang biktima, ayon sa MPD.

Dagdag pa ng MPD na ang Consular representative ng Japan, kasama ang Chief of the Security Section at ang security personnel ng hotel, ay nagtungo sa kani-kanilang silid ng mga biktima upang kunin ang kanilang mga pasaporte para sa mga layunin ng pagkakakilanlan at beripikasyon.

Samantala, narekober ng pulisya ang ginamit na motorsiklo ng mga suspek na inabandona sa kanto ng Malvar Street at Taft Avenue noong Sabado ng umaga.

Nagbigay na rin ng salaysay ang isang testigo na positibong itinuro ang isa sa suspek na siyang bumaril sa biktima sa pamamagitan ng litrato na ipinakita sa imbestigasyon.

Inaktibo na rin ang Special Invstigation Task Group o SITG Malvar na tututok sa kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here