MANILA, Philippines – Nasolo ng isang masuwerteng mananaya ang Superlotto 6/49 jackpot na nagkakahalaga ng ₱89.5 milyon nitong Martes, Agosto 19, 2025, ayon sa PCSO.
Nagawa niyang mahulaan ang lumabas na kombinasyon na 17-27-21-30-15-12.
Walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 na may premyong ₱373.9 milyon, gayundin sa Lotto 6/42 na may ₱39.4 milyon na jackpot. RNT