Home NATIONWIDE Benteng bigas ‘di sagot sa krisis sa produkyon – PAMALAKAYA

Benteng bigas ‘di sagot sa krisis sa produkyon – PAMALAKAYA

261
0

MANILA, Philippines – Tinuligsa ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang P20 kada kilo na programa ng Department of Agriculture (DA), na anila’y “tokenistic” at hindi tumutugon sa ugat ng krisis sa produksyon ng bigas.

“Gaya ng posisyon ng mga magsasaka, hindi sapat at maliit na pakunswelo lamang ang alok na P20/kilo na bigas para sa mga mangingisda,” pahayag ni PAMALAKAYA chairperson Fernando Hicap. Dagdag pa niya, hindi nito nalulutas ang mga suliranin sa produksyon na nagdudulot ng mataas na presyo sa merkado.

Nanawagan si Hicap na palakasin ang National Food Authority, buwagin ang mga pribadong kartel sa bigas, at magbigay ng mas malaking suporta sa mga magsasaka. Kasama rin ng PAMALAKAYA ang iba pang grupo sa panawagan na buwagin ang Rice Liberalization Law na nagbunsod umano ng pagbagsak ng farmgate prices at higit pang paghirap ng mga magsasaka.

Ayon sa DA, isasama na ang mga mangingisda sa listahan ng makikinabang sa P20/kilo na bigas simula Agosto 29. Una itong inilaan para sa senior citizens, PWDs, solo parents, at mahihirap, bago pinalawak para sa mga minimum wage earners, benepisyaryo ng social welfare programs, pati na mga magsasaka at farm workers. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here