MANILA, Philippines – Inatasan ng Department of Transportation (DOTr), sa pamamagitan ng Civil Aeronautics Board (CAB), ang mga airline na magbigay ng maagap at tamang abiso ukol sa status ng mga biyahe upang maiwasan ang abala sa mga pasahero.
Sa advisory na nilagdaan ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla, ipinaalala sa mga airline ang kanilang obligasyon sa ilalim ng Air Passenger Bill of Rights na agad ipaalam ang anumang pagbabago, pagkaantala, o kanselasyon ng flight, at magbigay ng kinakailangang tulong sa mga maaapektuhang pasahero.
Ayon sa DOTr, ang utos ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking magiging maginhawa at abala-free ang biyahe ng mga Pilipino. Santi Celario