Home METRO 2 magkalabang angkan sa Sulu, pumirma ng peace pact

2 magkalabang angkan sa Sulu, pumirma ng peace pact

244
0

SULU, Philippines – Dalawang may hidwaang pamilya mula sa Panglima Estino, Sulu, ang lumagda sa isang kasunduan ng kapayapaan nitong Miyerkules ng hapon, na nagtapos sa kanilang mahigit isang taon na alitan na kumitil ng dalawang buhay, kasunod ng interbensyon ng komunidad.

Sinabi ni Brig. Gen. Alaric Avelino Delos Santos, ang commander ng Army’s 1102nd Infantry Brigade, kinilala ang mga pamilyang sangkot na sina Pajid Yusop Ubaidulla at Rasmin Asara.

“This act of reconciliation is not a sign of weakness but of true courage. It takes more strength to forgive than to seek revenge,” ani Delos Santos.

Aniya, ang “rido” (clan war) sa pagitan ng dalawang pamilya ay bakas noong Hunyo 18, 2024, ang insidente ng pamamaril sa Barangay Kan-Bulak, Luuk, na nagresulta sa pagkamatay ni Nurikman Padjid.

Noong Hunyo 22 ng taong ito, ang pananambang sa Barangay Kan-Asaali, Panamao, ay humantong din sa pagkamatay ni Asbi Mallah at pagkasugat ng dalawang iba pa na kamag-anak ng pamilya Asara.

“The decision of the Ubaidulla and Asara families to sign the peace pact will be remembered by their children and grandchildren as the day they gave them a better future,” ani Delos Santos.

“The successful settlement of the disputes of the two families also demonstrates that even deep-seated disputes can be resolved through dialogue, local leadership, and community cooperation,” dagdag niya.

Sinaksihan ng mga pangunahing lokal na pinuno at mga opisyal ng seguridad ang paglagda sa tipan ng kapayapaan sa ikalawang distrito ng kongreso ng Sulu. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here