Home HOME BANNER STORY DPWH, COA dapat panagutin sa flood control ‘ghost projects’ – Jinggoy

DPWH, COA dapat panagutin sa flood control ‘ghost projects’ – Jinggoy

282
0

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na dapat managot ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Commission on Audit (COA) sa umano’y “ghost projects” sa mga flood control program.

Ayon kay Estrada nitong Miyerkoles, napakalawak ng korapsyon kaya’t posibleng abutin ng hanggang 10 pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee upang mailantad ang lahat ng iregularidad.

Giit niya, hindi magtatagumpay ang mga ghost project nang walang sabwatan ng DPWH officials, kontratista, at auditors.

“Hindi magpo-prosper ang isang ghost project kung walang cooperation ng COA,” ani Estrada, sabay giit na ipatawag sa mga pagdinig ang district engineers mula Bulacan at Mindoro at mga kinatawan ng COA. Dagdag pa niya, posibleng may mga insider sa DPWH na sila ring kumukorner ng mga kontrata.

Tinanong kung dapat magbitiw si DPWH Secretary Manuel Bonoan, sinabi ni Estrada na nasa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. iyon, ngunit iginiit na may command responsibility si Bonoan.

Dagdag niya, ang paglutas sa iregularidad sa flood control ay maaaring maging defining legacy ng Marcos administration. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here