Umabot sa 220 ang naaresto sa loob ng 24 oras sa Metro Manila mula 6 a.m. ng Agosto 19 hanggang 5:59 a.m. ng Agosto 20, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin, bahagi ng pinaigting na operasyon laban sa ilegal na droga, sugal, mga wanted persons, loose firearms, at paglabag sa ordinansa ang mga pagkaka-aresto.
Sa kabuuan, 45 ang nasangkot sa droga, 44 sa ilegal na sugal, at 61 ang mga wanted persons. Tatlo ang nadakip dahil sa loose firearms, habang 67 pa ang nahuli sa iba’t ibang paglabag.
Giit ni Aberin, patuloy na magiging agresibo ang NCRPO sa pagtutok sa malalaking target at maging sa mga street-level na paglabag. Santi Celario