MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes, Agosto 22 na libre na ang sakay sa Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT-1, LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ngayong hapon kasunod ng kanselasyon ng klase dahil sa masamang panahon.
Sa abiso, sinabi ng DOTR na ang libreng sakay ay ipatutupad simula alas-12 ng tanghali.
Ang implementasyon ng libreng sakay sa tren ay batay sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa malalakas na pag-ulan na nagdulot ng suspensyon ng klase sa mga paaralan.
Sisiguruhin ng DOTR ang kaligtasan ng mga pasahero at maginhawang paglalakbay sa pamamagitan ng tren kung kaya’t nagkaroon ng libreng sakay.
Samantala, dahil sa epekto ng Tropical Depression Isang at Southwest Monsoon o Habagat ay itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) ang alert status mula sa white patungong blue alert.
Sa Facebook post, sinabi ng NDRRMC na ito ay upang “closely monitor, consolidate and to ensure prompt coordination with concerned agencies and offices.” RNT/JGC