SUAL, Pangasinan — Isang 26-anyos na lalaki ang sugatan matapos umanong bugbugin at saksakin ng anim na kabataang edad 14 hanggang 16 habang nag-iinuman sa isang dam sa Brgy. Camagsingalan, iniulat kahapon.
Ayon sa pulisya, nilapitan ng biktima ang grupo at nagkaroon ng mainit na pagtatalo bago siya pinagtulungang gulpihin at saksakin. Tinamaan siya ng saksak sa ulo at likod at kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
Nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare and Development Office ang mga kabataang suspek. Mary Anne Sapico