Home NATIONWIDE Aug. 22, idineklara ni Pope Leo na araw ng pag-aayuno

Aug. 22, idineklara ni Pope Leo na araw ng pag-aayuno

276
0

VATICAN – Nanawagan si Pope Leo XIV sa mananampalataya na ipagdiwang ngayong Biyernes, Agosto 22, ang Kapistahan ni Mary the Queen bilang araw ng pag-aayuno at panalangin para sa kapayapaan ng mundo.

Sa kanyang weekly audience, hinimok ng Papa ang mga Katoliko sa buong mundo na ilaan ang araw sa pagdarasal, partikular para sa mga rehiyong apektado ng digmaan.

“While our land continues to be wounded by wars in the Holy Land, in Ukraine, and in many other regions of the world, I invite all the faithful to spend August 22 in fasting and prayer, beseeching the Lord to grant us peace and justice and to dry the tears of those who suffer from ongoing armed conflicts.”

Ang Papa, na kababalik lang sa Vatican mula sa kanyang summer residence sa Castel Gandolfo, ay nagpahayag ng pag-asa na si Maria, ang Reyna ng Kapayapaan, ay mamagitan upang gabayan ang sangkatauhan tungo sa pagkakasundo.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here