MANILA, Philippines – Isa sa limang namamatay na People Living with HIV/AIDS (PLHIV) ay dahil sa TB o tuberculosis, sinabi ng Department of Health (DOH).
Ayon pa sa kagawaran, mas mataas ang posibilidad na magka-TB ang isang PLHIV dahil sa mahinang immune system.
Maaring magdulot ng malubhang komplikasyon na posibleng humantong sa kamatayan kapag hindi naagapan.
Paalala ng DOH, maiwasan ang HIV at TB sa pamamagitan ngĀ regular na TB screening, tuloy-tuloy na pag-inom ng antiretroviral therapy (ART), at paggamit ng Tuberculosis Preventive Treatment (TPT).
Ang ART at TPT ay available sa HIV Care facilities. Jocelyn Tabangcura-Domenden