MANILA, Philippines – Naihalal si Senador Risa Hontiveros bilang minority floor leader ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sa ginanap na kauna-unahang sesyon ng lupon na may tungkulin na salain ang lahat ng appointment sa Sangay ng Ekhekutibo, military, pulisya , Hudikatura at constitutional offices.
Sumumpa si Hontiveros kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, chairman ng CA, sa kauna-unahang sesyon ng CA sa 20th Congress
Inihain ni Deputy Minority Leader Juan Miguel “ “Migz” Zubiri, ang opisyal na nomiasyon sa lupon.
“Malaking karangalan po na maihalal ng ating mga kasamahan na maging pinuno ng minorya sa Commission on Appointments. We will work hard to ensure that the CA conscientiously fulfills its mandate in confirming or rejecting key appointments by the President,” ayon kay Hontiveros.
“Pagsisikapan natin na tanging ang mga indibidwal na may sapat na kwalipikasyon at pagmamahal sa bayan ang makakalusot sa proseso ng CA confirmation,” giit niya.
Inatasan ang Commission on Appointments ng 1987 Constitution na ikumpirma o ibasura ang key appointments ng President – kabilang ang hepe ng executive departments, ambassadors, public ministers and consuls, at opisyal ng armed forces mula sa ranggo ng colonel o naval captain pataas.
Kinabibilangan ito ng piniling miyembro ng Senado at Mababang Kapulungan. Ernie Reyes