Home METRO 8 arestado sa drug den raid sa Mabalacat City

8 arestado sa drug den raid sa Mabalacat City

215
0

PAMPANGA, Philippines – Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga at pitong iba pa sa isinagawang raid sa isang umano’y drug den sa Barangay Dau noong Lunes ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 3 na unang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga anti-narcotics operatives laban kay alyas “Manny,” 48, bago sinalakay ang kanyang tirahan bandang alas-9 ng gabi, na sinasabing ginagawang drug den.

Natagpuan sa loob ng bahay ng suspek ang pitong indibidwal na umanoý mga ahente nito; dalawang babae at limang lalaki, nasa edad 27 hanggang 55 na kasunod na inaresto kasama ang pangunahing target.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 12 sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 18.77 gramo ng hinihinalang shabu, samu’t saring drug paraphernalia, at ang marked money na ginamit sa operasyon.

Sinabi ng PDEA Region 3 na si alyas “Manny” at ang kanyang grupo ay nasa ilalim ng surveillance mula noong Hulyo 2025.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here