Home NATIONWIDE DA sa mga importer: Magbahagi ng responsibilidad sa pagpapanatili ng rice buffer...

DA sa mga importer: Magbahagi ng responsibilidad sa pagpapanatili ng rice buffer stock

235
0

MANILA, Philippines – Nais ng Department of Agriculture (DA) na maging bahagi ng responsibilidad sa pagpapanatili ng rice buffer stock ang mga importer, ito ay sa pamamagitan ng pag amyenda ng Rice Tariffication Law (RTL).

Ang DA, na binanggit ang kamakailang pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, ay sinabi nitong Martes na nilinaw ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pagtulak ng DA na ibalik ang mga pangunahing kapangyarihan sa regulasyon ng National Food Authority (NFA) ay hindi nangangahulugang magkakaroon muli ito ng nag-iisang awtoridad na mag-angkat ng bigas.

Ang pag-aangkat ng bigas ay mananatili sa pribadong sektor, aniya, ngunit ang mga importer ay kailangang makibahagi sa responsibilidad sa pagpapanatili ng buffer stock ng bansa.

“They have to have skin in the game,” ani Tiu Laurel, idinadagdag na, “If we aim to have a 20-day rice buffer stock, we’re thinking of a 50-50 split between the NFA and the private sector.”

Sa ilalim ng iminungkahing setup, ang pag-import ng bigas ay susunod sa isang “controlled model” na katulad ng sugar import program ng Sugar Regulatory Administration (SRA), kung saan ang mga kwalipikadong importer lamang ang binibigyan ng import allocations. 

Bukod dito, obligado ang mga importer ng bigas na bumili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka sa patas na presyo para sa buffer stocking.

“With the private sector partly doing the buffer stocking, sourcing from local rice farmers, it will also reduce the cost of buffer stocking for the government,” saad ni Tiu Laurel.

Ayon kay Tiu-Laurel, ang “proposed changes aim to strike a balance between ensuring affordable rice for consumers and protecting the livelihoods of Filipino rice farmers.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here