Home NATIONWIDE PCG agad tumugon sa pagsadsad ng barko sa Masbate

PCG agad tumugon sa pagsadsad ng barko sa Masbate

274
0

MANILA, Philippines – Agad tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isang maritime incident na kinasasangkutan ng MV Filipinas Surigao del Norte matapos itong sumadsad sa mababaw na bahagi ng katubigan ng Dimasalang, Masbate.

Ayon sa Coast Guard Disrict Central Visayas (CGDCV), ang mabilis na pagtugon ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr sa PCG na paigtingin ang maritime safety measures at tiyakin ang proteksyon ng mga Filipino seafarers at mga pasahero sa lahat ng oras.

Nang matanggap ang ulat, nakipag-ugnayan ang Coast Guard Sub-Station Masbate (CGSS) sa Master ng sasakyang-dagat at inatasan na manatiling naka-standby at huwag ipagpatuloy ang paglalayag nito hanggang sa maisagawa ang underwater hull inspection.

Gayunpaman, iginiit ng Master ng barko na tumuloy sa kanilang susunod na port of call sa Pier 1, Cebu City.

Upang matiyak ang kaligtasan ng kapwa pasahero at barko, agad na ipinakalat ng CGDCV ang BRP Sindangan (MRRV-4407) para i-escort ang MV Filipinas Surigao Del Norte upang matiyak ang ligtas na paglalayag hanggang sa pagdating nito sa susunod na port of call.

Bandang alas-10 ng umaga ng Agosto 25, 2025, ligtas na nakarating ang barko sa Pier 1, Cebu City.

Ang 221 mga pasahero ay agad na binigyan ng agarang tulong.

Nagsagawa naman ng komprehensibong vessel inspection ang composite team na binubuo ng Coast Guard K9 unit, Vessel Safety Enforcement Inspection (VSEI), Marine Environmental Protection Unit (MEPU), at Special Operations divers.

Samantala, inilagay ang MV Filipinas Surigao del Norte sa indefinite indefinite suspension ng Maritime Industry Authority (MARINA) Region 7 at inatasan na humarap at makipagtulongan sa isinasagawang imbestigasyon na isinasagawa ng district. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here