Home NATIONWIDE Mga responsable sa ‘ghost projects’ sa ilalim ng NEP, may mas malaking...

Mga responsable sa ‘ghost projects’ sa ilalim ng NEP, may mas malaking pananagutan – PBBM

285
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Malakanyang na magiging mas mahigpit ang pananagutan sa isinasagawang imbestigasyon sa di umano’y sumingaw na “ghost” at substandard projects sa Bulacan, na naaayon sa National Expenditure Program (NEP).

Sa press briefing sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, sinabi nito na paniguradonng nakatuon ang pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga proyektong ito.

“Kung iyon naman po ay priority project at naaayon sa NEP, accountability is stricter, mas lalo itong tututukan ng Pangulo. Pero ito man po ay nasa NEP o parte ng insertions at proyekto ng ibang mga pulitiko, hindi po nangangahulugan na hindi iimbestigahan. Lahat po iyan, pantay-pantay na iimbestigahan,” ang sinabi ni Castro.

Ang umano’y ghost flood control project sa Bulacan na nakakuha ng galit ng Pangulo ay alokasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipinanukala nito, at hindi congressional insertion mula sa hanay ng mga mambabatas, ang sinabi ng co-chair ng House Infrastructure Committee.

Sa ulat, naniniwala si House Committee on Public Account at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na may nangyaring sabwatan sa pagitan ng district engineers ng DPWH, Bids and Awards Committee (BAC) at Commission on Audit (COA) sa nadiskubring ghost flood control projects isa na dito sa Brgy Piel sa Baliuag, Bulacan na personal na ininspeksyon ni Pangulong Marcos Jr.

Sa isang panayam sinabi ni Ridon, paano nalusutan ng COA ang nasabing proyekto na dapat na flagged down na ito ng state auditor.

Sa ngayon dalawang kontratista na ang napapangalanan na sangkot sa ghost flood control projects ito ay ang Wawao at Syms Construction Trading.

Binigyang-diin ni Ridon na sa mga nadiskubring ghost flood control projects tiyak may pananagutan dito ang buong district engineering Office ng DPWH , BAC at COA.

Nakatakda namang magsagawa ng pagdinig ang house tri committee in aid of legislation ang kontrobersiyal na flood control projects.

Sinabi ni Ridon na kabilang sa kanilang aalamin kung may mga legislator-contractors ang sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.

At ang mga kumpanya na may maliit na budget subalit nakakakuha ng bilyong bilyon na kontrata.

Pagtiyak ng Kongresista na walang sisinuhin ang komite kahit ito ay kanila pang mga kasamahan. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here