Home TOP STORIES Pensyon ng senior citizen gustong palawakin sa Senado

Pensyon ng senior citizen gustong palawakin sa Senado

277
0

Naghain si Senador Mark Villar ng Senate Bill No. 95 o Universal Social Pension for Senior Citizens na layong palawakin ang pension benefits ng lahat ng nakatatanda sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Republic Act No. 7432.

“Panahon na po para amyendahan ang ating batas. Hindi na dapat nakabase sa social status o indigency ang pension. Basta senior citizen ka, may pension kang dapat matanggap,” ani Villar.

Via Cesar Mrorales

Batay sa datos ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA), tataas mula 9.3 milyon noong 2020 tungong halos 23.7 milyon sa 2050 ang bilang ng mga Pilipinong may edad 60 pataas. Giit ni Villar, dapat paghandaan ng pamahalaan ang mabilis na paglaki ng aging population.

Sa panukala, bibigyan ng buwanang stipend na hindi bababa sa ₱500 ang mga senior citizen na hindi indigent, at sa loob ng limang taon ay tataas ito sa ₱1,000 para sa lahat, kahit pa may iba silang natatanggap na pension.

Dagdag pa ng senador, dapat regular na suriin ng Department of Budget and Management ang distribusyon ng pension upang matiyak na tugma ito sa pangangailangan at kalagayang pang-ekonomiya ng mga nakatatanda. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here